Username   Password  
Remember   Register   |   Forgot your password?

My favorite Manga

Blog Entry: My favorite Manga

Blog Entry: My favorite Manga
16779-1230656237.jpg
Posted by: ganymede
Posted: May 26, 2008, 9:23:22 PM
My favorite Manga

Nangongolekta ako dati ng mga Manga pero di ako sumusunod sa mga bagong labas na volumes nito. Ang basis ko sa pangongolekta ay ang art styles or techniques na ginamit ng mga mangaka para dito na pwede kong maging reference for my art study. Wala me pakialam kung glossy page ito o ito’y luma na.

Minsan pinakita ko sa isang classmate ko ang manga ng ghost fighter at ang sabi nya sa akin masgusto pa rin niya ang anime boring daw kasi kapag black and white. Pero sa akin mas gusto ko pa rin ang black and white or colored artwork ng mga mangaka dahil sa mas expressive itong tignan lalo na sa pagamit ng linya at shading. Para sa akin mas importante pa rin ang art techniques.

1. Five Star Stories – Sa Newtype Magazine (Japan) lang ito makikita pero meron na itong English version sa US. Superb! ang mecha and character designs nito lalo na ang mga Fatimas. Di ito gaya ng ibang mecha anime na masyadong squarerish tignan. Nagsimula ang manga na ito noong 1980s pa sa Newtype at hanggang ngayon buhay pa! Nakakaintriga di ba?

2. Blade of Immortal – ang nagustuhan ko sa manga na ito ay ang mga drawings nito. Sa tuwing nakikita ko ang cover page nito para kang nakatingin sa isang painting.

3. Shounen Ou ("The Boy King") – sa Newtype lang din ito matatagpuan. Actually isa lamang itong short novel pero may konting drawings din itong kasama. Mala – Utena or Sailor Moon ang style ng art.